Hindi ko sinadyang sugatan ka nang ganito, ni minsan ay hindi ko nilarong totoo mong puso. Patawad sa mga oras na sa akin ay inilaan, at sa mga luhang dahil sa akin ay pinakawalan. Ngunit alam kong ang problema'y nasa aking dibdib, mga sugat ng kahapon na hindi pa rin tahimik. Napakabuti mo, napakalinis ng iyong pagtingin, ngunit pakiramdam ko'y hindi ko pa kayang tumbasan ang iyong damdamin. Marahil hindi ikaw ang kulang o nagkamali, kundi ako na takot muling masawi. Dahil hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang mga bakas ng sakit na ayaw pang lumisan. Naalala ko pa ang bawat gabing wasak, ang bawat pangakong nauwi sa pagliyak. Buong tiwala ang aking ibinigay noon, ngunit pawang kirot lamang ang naging tugon. Alam mong gusto kita, at iyon ay totoo, ngunit natatakot akong sumugal nang buo. Nalilito ang isip, nangangamba ang puso, kung handa na ba akong muling magmahal nang husto. Kaya kung maaari, bigyan mo muna ako ng panahon, upang ang sugat ng kahapon ay tuluyang maghilom. At kapag natutunan kong muling magtiwala, baka sa pagkakataong iyon, maibigay ko na ang puso ko sa'yo nang buo at walang pangamba. aguyyy dinner na π